Liwliwa, Zambales
Minsan darating tayo sa punto ng ating buhay na para bang pagod na pagod ka na sa pag tatrabaho pero di ka pwede mapagod. Simple lang naman ang sagot ko sa mga pagod na kaluluwa na katulad kong isang empleyado. Pwede mapagod pero wag susuko. Kaya sa twing ako ay napapagod humahanap talaga ako ng panahon para mag aliw lahat naman tayo kailangan makaisip ng isang outlet para makapag pahinga, makalayo sa problema at magkaroon ng oras para naman sa iyong sarili. Hindi pagiging makasarili ang pagbyahe sa ibang lugar na ikaw lang mag isa.
Kaya napag isip isip kong magpunta sa isang paraiso. Basta may araw, may dagat at tahimik malayo sa trapiko ng Maynila. Matagal ko nang nais magpunta sa Liwliwa para makipaglaro sa alon dahil nabanggit ng kaibigan kong si Ian isa ding lagalag na nanggaling na sa Liwliwa na maganda nga daw don at pwede magsurfing at medyo friendly ang alon don lalo na sa mga baguhan pa lang at gusto pa lang matuto mag surf. Nataonan na naging swak na swak ang aking budget at oras kaya di ko na pinalagpas magpunta don.
Lima hanggang anim na oras ang byahe mula Maynila papuntang Liwliwa, Zambales. Mula Maynila sumakay ako ng bus byaheng Iba, Zambales pero sa San Felipe ako bumaba. Sumakay sa isang maliit na tricycle papunta sa hostel na aking napupusuan. Kahit may contact na ko sa isang hostel mas pinili ko yung tinuluyan ko kasi patuloy nilang pinapractice ang Zero Waste movement. Alam naman natin noon pa man ako ay sumusuporta sa ganyan.
The Circle Hostel
Doon ako nagstay sa The Circle Hostel. Kasing kulay ng lugar ang pagtuloy ko doon. Kasi naka kilala ako ng ibat ibang klase ng tao. Nakipagkwentuhan at nakipagkantahan buong maghapon siguro kung nagpunta ako doon ng mga bandang biyernes o mga sabado mas magiging masaya kasi madaming nandoon na kapwa ko lagalag. May mga bunkbeds sila doon, may mga duyan at mga tent na pwede mong rentahan para pag pahingahan. Ang dalawa sa mga gusto ko doon lalo na pag ako ay nag gagala gusto kong may water heater at bidet sa mga shower room pero kung wala ay ok naman. Pero meron doon kaya panalo talaga para sakin.
Saglit lang ako sa aking pinuntahan dalawang araw at isang gabi kong malayo sa Maynila ay talaga namang malaking tulong sakin para makapag relax at magbigay ng oras para sa sarili. Bibihira lang ako makapaglayag kaya naman sobrang saya ko talaga. Sa maliit kong inipon para makapagrelax ay talagang sulit na sulit.
Expenses Breakdown: For Solo traveler
Bus: Manila - San Felipe - Manila:
312 x 2 = 624
Tricycle: San Felipe - Liwa - San Felipe:
60 x 2 = 120
Overnight stay circle hostel: Bunkbed:
550
Environmental fee:20
Food:480
Total of 1794 pesos
Dahil solo lang akong nagbyahe kaya halos 1800 din ang nagastos ko pero ok na yan di na yan masama. Ang budget ko talaga ay 2000 may sukli pa pero syempre di maiiwasan makikipag kapwa tao ka sa mga nakakasama mo kaya mag seshare ka din sa gastos. Pero kung may kasama kayo pagpunta sa Liwa makakatipid kayo sa tricycle at sa food.
Tinapos namin ang araw na magkakasama kame na puno ng kantahan at isang maliit na boodle fight sa tanghalian bago kami naghiwahiwalay pauwi sa Maynila. Totoo nga ang kasabihan sa the Circle hostel na
"no one will leave the place as strangers"
You can also watch my vlog sa aking youtube channel
For contact information you can contact them thru Chat sa kanilang facebook page or you can reserve thru text kasama sa picture na nasa ibaba..